Monday, February 08, 2016

Residential house sa Bolabog beach Boracay muntikan ng masunog

Posted February 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit Rb Bachiller
Ikinaalarma ng mga tao sa Bolabog Beach ang biglaang pagsiklab ng poste ng kuryente sa nasabing lugar bandang alas-3 kaninang hapon kung saan isang bahay ang naapektuhan.

Sa pagresponde ng mga bombero naabutan sa lugar ang umaapoy na poste ng kuryente kung saan sa baba nito ay isang bahay at doon bumagsak ang apoy hanggang sa bahagyang nasunog ang bubong nito na yari sa cogon grass.

Mabilis naman itong naapula ng mga residente sa lugar gamit ang fire extinguisher na siyang nakatulong para hindi kumalat ang apoy gayon din ng mga bombero.

Ngunit sa kabila nito apektado naman ang isang puno ng niyog matapos na tangayin papunta doon ang baga dahil sa sobrang lakas ng hangin dulot ng Amihan.

Samantala wala namang nasaktan sa nangyaring sunog na idiniklara namang fire-out bandang alas-4:40 ng hapon.

No comments:

Post a Comment