Tuesday, February 09, 2016

Kalibo kasado na rin sa Mock election ngayong Sabado

Posted February 9, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for mock election philippinesIsa ang bayan ng Kalibo sa probinsya ng Aklan na magsasagawa ng Mock election ngayong darating na Sabado Pebrero 13, 2016.

Ayon kay Chrispin Raymund Gerardo, information officer ng Comelec-Aklan, kasado na ang naturang mock election sa nasabing bayan na gaganapin sa Poblacion at Linabuan Norte sa Kalibo.

Napili umano ang Kalibo dahil ito ang may pinakataas na number ng registered voters sa probinsya na sinundan naman ng bayan ng Malay na isa rin sa magsasagawa ng mock election sa Sabado.

Nabatid na ang nasabing eleksyon bilang pagsasanay para sa darating na hahalan sa Mayo 9 kung saan isasalang rito ang mga BEI na kinabibilangan ng mga guro.

Maliban dito pipili ang Comelec ng isang daang botante sa mga nasabing prisento kung saan susubukan ng mga itong bumuto sa pamamagitan ng Vote Counting Machines (VCM).

Samantala ang mock election naman sa Malay ay gaganapin sa Poblacion at sa Brgy. Balabag sa Boracay simula alas-7 ng umaga.

No comments:

Post a Comment