Wednesday, February 10, 2016

Comelec Malay all-set na sa Mock election sa Balabag

Posted February 10, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo by: Boracay PNP
Ang Brgy.Balabag sa isla ng Boracay ang isa sa dalawang napiling pagdarausan ng Mock election sa Malay ngayong Sabado Pebrero 13, 2016.

Dahil dito nakipagpulong na si Malay Comelec Officer II Elma Cahilig at Mr Antero Arboleda-Acting Election Officer sa brgy. Officials ng Balabag para sa naturang eleksyon.

Dito napag-usapan ang seguridad at ang isang daang botante na sasailalim sa mock election kabilang na ang paghahanda sa mga BEI na kinabibilangan ng mga guro.

Kabilang naman sa mga nakipagpulong rito ay sina PINSP Joey Delos Santos, Chief of Operation and Intelligence Sections at SP01 Christopher Mendoza, PCR PNCO ng Boracay Tourist Assistance Center, Ligaya Aparicio, School Principal ng Balabag Elementary School at Punong Barangay Lilibeth Sacapaño.

Samantala ang Brgy. Balabag at Poblacion lamang sa Malay ang magsasagawa ng mock election sa Sabado kung saan ang Malay at bayan ng Kalibo lang din ang napiling magsagawa nito sa buong Aklan.

Ang mock election ay isang paraan ng pagsasanay sa darating na May 9 election kung saan gagamitin nila rito ang Vote Counting Machines (VCM).

No comments:

Post a Comment