Monday, February 08, 2016

Lalaki sugatan matapos saksakin sa isang tindahan sa Boracay

Posted February 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for stabbing investigation

Sugatan ang isang lalaki matapos itong saksakin sa isang tindahan sa station 2 Balabag, Boracay kaninang madaling araw.

Base sa report ng Boracay PNP, nakilala ang biktimang si Albert Nicolas kung saan nasa isang mini mart umano ito kasama ang kanyang kaibigan ng saksakin ng hindi pa matukoy na suspek na mabilis namang nakatakas matapos ang pananaksak.

Agad namang dinala sa Alert Medical Clinic ang biktima para mabigyan ng karampatang medikasyon ang tinamo nitong sugat sa katawan.

Sa ngayon, iniimbestigahan pa ng mga pulis ang kabuuang nangyari at ang dahilan ng pananaksak sa biktima.

No comments:

Post a Comment