Posted February 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naglabas ngayon ng paliwanag ang Human Resource (HR)
Department ng Local Government Unit ng Malay kaugnay sa pagtigil sa pagbibigay
ng sahod ng ilang staff ng BFRAV ng Boracay Action Group (BAG).
Ayon kay LGU Malay HR Head Dinky Maagma, hindi pa umano
kasi naaprobahan ng Sangguniang Bayan ng Malay ang budget sa mga nasabing staff
kung kaya kinakailangan munang ipinatigil ang kanilang serbisyo.
Sinabi nito na huling nakatanggap ng sahod ang BFRAV na
kinabibilangan ng tatlong nurse, ambulance driver at ambulant speedboat captain
nitong Enero 15.
Tiniyak naman nito na sakaling matapos na ang
deleberasyon ng SB para sa kanilang sahod ay maibabalik naman ito sa normal.
Sa kabila nito ikinalungkot naman ni Commodore Leonard
Tirol, Adviser/Consultant ng Boracay Action Group ang nasabing balita.
Sa ngayon 24/7 parin ang operasyon ng mga medical
responders matapos magbigay si Commo Greg Barnes ng PCGA ng (P80, 000) bilang
sweldo sa mga ito sa loob ng isang buwan habang inaantay din ang tulong mula
kay Governor Miraflores para maipagpatuloy ang operasyon.
No comments:
Post a Comment