Wednesday, February 10, 2016

BLTMPC Director, pina-alalahana ang mga driver na hindi nag-papasakay ng pasahero

Posted Febuary 10, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Muli na namang nag-paalala ang Boracay Land Transportation Multi Purpose Cooperative (BLTMPC) sa mga driver na hindi nag-papasakay ng pasahero.

Ayon kay (BLTMPC) Board of Director Enrique Gelito, ang mga hindi umano magpapasakay na mga driver ay pwedeng masuspendi ng labin limang araw kung valid ang rason ng nag-rereklamo.

Paalala pa nito sa mga pasahero na kunin ang plate number o apelyido ng driver na hindi sa kanila nagpasakay at ireklamo sa kanilang tanggapan para agad nila itong mabigyan ng aksyon lalo na sa mga estudyante.

Samantala hiniling naman Gelito, na sana ay mayroong tanod o pulis na mag-aalalay sa mga estudyenteng papauwi na sasakay ng tricycle upang matakot umano ang mga driver na hindi magpasakay.

1 comment:

  1. My suggestion is, what if the BLTMPC will have to minimize or remove chartered ride from balabag area going to station 3. Special trip can only be applied going to Manoc-manoc, Cagban & Yapak area. That way maiwasan na mabasawan na ang hassle ng mga commuters.

    ReplyDelete