Posted February 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pumalo agad sa siyam naput siyam ang naitalang kaso ng
dengue sa probinsya ng Aklan sa loob lamang ng tatlong linggo nitong Enero
2016.
Ito ay base sa naging tala ng Department of Health
(DOH-6) kung saan umabot naman sa 492 ang dengue cases sa Western Visayas sa
kaparehong petsa.
Ang nasabing bilang ay mas mataas ng 46 na porsyento kumparaa
sa 265 na kasong nai-record ng kaparehong period noong 2014.
Samantala, nangunguna naman ang probinsyan ng Negros
Occidental sa may pinakamataas na kaso ng dengue kung saan umabot ito sa 122, sinundan
naman ng Capiz na may 100; Aklan na may 99, Iloilo na 85; Iloilo City 39;
Antique na may 38, Bacolod City at Guimaras na may tig 4.
Ang dengue ay mula sa kagat ng lamok na may dalang
bacteria kung saan ang tatamaan nito ay lalagnatin at magkakaroon ng mga rushes
sa katawan.
No comments:
Post a Comment