Tuesday, February 09, 2016

DepEd Aklan, iki-natuwa ang pagiging palaban ng mga kabataan sa WVRAA

Posted Febuary 9, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for wvraaIkinatuwa ng Department of Education (DepEd) sa probinsya ng Aklan ang pagiging palaban ng mga manlalaro mula sa probinsya na ngayon ay mayroon ng labin limang gold medal sa ikalawang araw na West Visayas Regional Athletic Association (WVRAA) sa Iloilo.

Ayon kay Mrs. Mary Ann Lopez, DepEd sports coordinator ng Aklan, sa elementary Level umano ay mayroon na silang isang gold habang sa secondary level naman ay may labing tatlong gold at sa special events naman ay may isang gold.

Samantalang sa silver award naman ay may tig-iisa ang bawat level at sa bronze naman ay isa sa elementary at apat sa secondary level.

Ina-asahan naman ng probinsya ng Aklan na sa mga susunod pang mga araw ay madadagdagan pa ang mga medalyang natanggap ng mga batang kasali sa nasabing kumpetisyon.

No comments:

Post a Comment