Monday, February 08, 2016

Lalaki patay, matapos malunod sa Cold Spring

Posted Febuary 8, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for nalunodWala ng buhay ang isang lalaki matapos itong malunod sa Hurom-hurom Cold Spring Brgy. Laserna, Nabas, Aklan kahapon.

Nakilala ang biktimang si Daniel Columbres 27- anyos residente ng Brgy. Libertad sa nasabing bayan.

Sa report ng Nabas PNP, nag-iinuman umano sila ng kanyang mga kaibigan sa lugar ng bigla nalang itong nag-dive at hindi na nakaahon ng mahigit 30 minuto.

Agad naman itong ni-rescue at mahigit 30 minuto bago rin nakita ang katawan nito.

Mabilis namang isinugod sa Ibajay District Hospital ang biktima para i-revive ngunit dineklara naman itong dead on arrival.

No comments:

Post a Comment