Wednesday, February 10, 2016

P400 Milyon budget ng LGU Malay ngayong 2016 nasa 2rd reading na ng SB

Posted February 10, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for budgetNaka-freeze pa rin ngayon ang mga proyekto ng ibat-ibang departamento ng LGU Malay dahil sa hindi parin naaaprobahan ang kanilang budget para sa taong 2016.

Ito’y matapos talakayin sa ika-6th Regular SB Session ng Malay ang resolusyon na nag-aaproba sa Annual Budget ng LGU Malay para sa fiscal year 2016 na may kabuuang halaga na P400, 000, 000.00.

Pinangunahan naman ni SB Member at Chairman ng Committee on Laws Rowen Aguirre ang pagtalakay sa nasabing budget kung saan binanggit nito ang mga paggagamitan ng pondo.

Ayon kay Aguirre dapat kailangan munang ma-justify kung saan-saan ito gagamitin kagaya ng budget para sa personnel ng ibat-ibang departamento at mga retiree employee.

Sa ngayon nakabinbin parin sa 2nd reading ang naturang budget dahil sa hindi parin natatapos ang delibrasyon tungkol dito.

No comments:

Post a Comment