Posted February 11, 2016
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
May paalala ngayon ang Commission on Elections (Comelec) Malay
sa mga mangangampanyang kandidato sa local position sa darating na March 25,
2016.
Ayon kay Malay Comelec Officer II Elma Cahilig, ito
umanong paalala nila ay hinggil sa mga bawal pagkabitan ng mga streamers,
posters at kung ano pang gamit para sa pangangampanya ng mga pulitiko sa
darating na halalan.
Aniya, ang mga bawal umanong paglagyan na mga lugar ay
patrol cart, waiting shed, tulay, side walk, government agencies, public
utility vehicle at motorsiklo.
Sinabi pa nito na pwede namang maglagay ng posters o
streamers sa mga pribadong lugar kung may pahintulot ng may-ari nito.
Layunin umano nito na mapanatiling malinis ang lugar kung
saan may itinalaga namang mga lugar kung saan puwideng maglagay ang mga
pulitikong mangangampanya kagaya ng public plaza sa lahat ng brgy. sa Malay.
Sa kabila nito, umaasa naman si Cahilig na susundin ng
mga tatakbong kandidato ang mga patakaran na inilabas ng Comelec.
No comments:
Post a Comment