YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, February 13, 2016

Bagong sistema sa Cagban at Caticlan Jetty sumailalim na sa dry run

Posted February 13, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nitong nakaraang Huwebes ay sumailalim sa dry run ang ibat-ibang force multipliers sa isla ng Boracay para sa bagong sistema sa Cagban at Caticlan Jetty Port.

Ito ay pinangunahan naman ng BFRAV ng BAG, Municipal Auxiliary Police, Philippine Army, Boracay PNP, Maritime Police at iba pang organic group sa isla.

Dito sinanay ang mga nakapilang pasahero kung papano mag fill-up sa Manifesto habang wala pang bangka na siyang regulasyon naman na itinakda ng Marina sa ilalim ng implementasyon ng Philippine Coast Guard.

Maliban dito binigyan ng color coding na card ang mga pasaherong nakapila habang paparating palang ang bangka na kanilang sasakyan para sasakay nalang ang mga ito at agad na magde-depart.

Nabatid kasi na ang dating sistema sa nasabing pantalan ay pipila pa ang mga pasahero habang wala pang bangka at kung sasakay na rin ang mga ito ay saka palang papasulatin sa manifesto na inaabot ng ilang minuto bago makaalis.

Samantala ang bago umanong planong ito ay gagawin lamang sa tuwing rush hour at kung marami ang dagsa ng pasahero para hindi na sila abutin ng mahabang oras sa pantalan.

No comments:

Post a Comment