YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, February 08, 2016

Comelec Malay magsasagawa ng Mock election ngayong Sabado

Posted February 8, 2016
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for mock eleksyon sa pilipinasNgayong Sabado na ang itinakdang Mock election ng Commission on Election (Comelec) Nationwide para sa darating na halalan sa Mayo.

Ayon kay Malay Comelec Officer II Elma Cahilig, ito umano ay parang dry-run kung saan sasailalim sa training ang mga BEI na kinabibilangan ng mga guro kasama na ang mga pulis.

Sinabi nito na ang Mock election ay isasagawa sa Poblacion Malay at sa Brgy. Balabag kung saan pipili naman sila ng isang daang botante na sasailalim para rito sa pamamagitan ng optical reader machine.

Layun umano nito ay para malaman kung ano ang magiging resulta ng magiging eleksyon sa Mayo 9 at kung ano ang posibleng magiging problema na kailangang agad maisayos.

Nabatid na matapos ang Mock ay agad na isasailalim sa counting at transmittal ang mga balota para sa tinatawag na manual audit at pagkatapos nito ay ikukumpara ang resulta na igi-generate ng machine.

Samantala, iniimbitahan naman ni Cahilig ang mga botante na maaari nilang saksihan ang nasabing Mak eleksyon upang maging handa sa nalalapit na halalan.

No comments:

Post a Comment