Wednesday, November 18, 2015

Turista sa Boracay dagsa dahil sa APEC sa Manila

Posted November 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo Credit Jack Jarilla
Sa kabila ng ipinatupad na “No fly zone” sa paliparan sa Manila dahil sa Asia Pacific Ministerial (APEC) Meeting marami parin ngayon ang dumagsang turista sa isla ng Boracay.

Ito’y dahil sa isang linggong walang pasok ang ibang manggagawa sa Manila gayon din ang mga estudyante bunsod ng nagpapatuloy na APEC meeting.

Karamihan naman ngayon sa mga turista sa isla ay mga local tourist na piniling magbakasyon sa Boracay kaysa manatili sa kanilang mga tahanan habang ginaganap ang APEC gayon din ang nararanasang matinding trapik sa Metro Manila.

Kasabay nito unti-unti na ring bumubuhos ang mga foreign tourist sa Boracay dahil sa papasok na ang peak season kung saan inaasahang dodoble pa ang bilang nito pagpasok ng buwan ng Disyembre para sa Holiday season.

Samantala, todo bantay naman sa seguridad sa isla ang Boracay PNP kasama ang iba pang mga Law Enforcers habang mahigpit naman ang pagpapatupad ng Philippine Coastguard sa operasyon ng mga bangka sa isla.

No comments:

Post a Comment