Thursday, November 19, 2015

Boracay Fire Protection Unit tuluyan ng nilisan ni Jardeleza

Posted November 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Magkakaroon na naman ngayon ng bagong hepe ang Boracay Island Special Fire Protection Unit (BISFPU) matapos na ma-relieved sa kanyang panunungkulan si Fire Inspector Stephen Jardeleza.

Si Jardeleza ay pansamantalang papalitan ni Senior Fire Officer 2 Oscar de Borja Jr.na magsisislbi munang tagapangalaga ng BISFPU.

Ayon kay Jardeleza umano nanungkulan noong Agosto 2014 at nagtapos naman nitong Nobyembre 16 kung saan ito umano ay base sa mandato ni BFP regional director Senior Superintendent Lindy Lauzon.

Sa ngayon ma-a-assigned na umano siya sa Office of the Regional Director (ORD) sa Bureau of Fire Protection (BFP) Region 6 isa Iloilo City.

Nabatid na isa sa mga naging malaking hamon sa panunungkulan ni Jardeleza sa isla ng Boracay ay ang nangyaring sunog sa Talipapa Bukid na nag-iwan ng malaking pinsala sa mga residente at mga negosyante.

Samantala, nagpapasalamat naman si Jardeleza sa lahat ng mga naging katuwang nila sa isla ng Boracay sa pamamagitan ng LGU Malay, KABALIKAT CIVICOM, Boracay PNP, Philippine Red Cross at iba pang mga stakeholders sa isla.

No comments:

Post a Comment