Wednesday, November 18, 2015

Bahay sa New Washington Aklan, niluoban ng magnanakaw tinatayang 50K tinangay

Posted November 18, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for investigationNanlumo ang mag-asawa sa Brgy. Puis New Washington Aklan, matapos luoban ang kanilang bahay ng magnanakaw alas-9 kagabi.

Tinangay sa mag-asawang sina Henrey Relao Gulai at Nemia Relao Gulai ang tinatayang P50,000 na cash, alahas at iba pang mahahalagang bagay.

Sa panayam ng himpilang ito kay PO2 Manny Lorenzo ng New Washington PNP, sinabi nito nanunood umano ang mag-asawa ng telebesyon ng may biglang pumasok na limang kalalakihan sa kanilang bahay na nakatakip ang mukha ng itim na tela.

Dito mabilis umanong tinutukan ng baril at kutsilyo ang mag-asawa at pinilit na ipasok sa kanilang kwarto at itinali saka nag-demand ng pera.

Sa takot namang patayin ng mga suspek ay agad na itinuro ng mga biktima ang kinalalagyan ng pera at doon ay nakuha ng mga suspek ang mahigit P50,000 at alahas na tinatayang nag-kakahalaga ng P10,000 kasama ang dalawang cellphone, Mp3 player, Camera, dalawang relo, dalawang sapatos at bag na nag-lalaman ng wallet, Atm card at iba pang importanteng dokumento.

Samantala, napag-alaman na bukas umano ang main door ng bahay ng biktima na siyang ginawang pagkakataon na pasukin ng mga magnanakaw ang kanilang tahanan.

Sa ngayon, patuloy parin ang ginagawang manhunt operation ng New Washington PNP para sa ikadarakip ng mga hindi pa nakilalang mga suspek.

No comments:

Post a Comment