Friday, November 20, 2015

Lalaking wanted sa kasong homicide, arestado sa Boracay

Posted November 20, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay        

Na-aresto ng mga pulis ng Boracay Tourist Assistance Center o BTAC ang isang lalaking wanted sa kasong homicide kahapon ng alas-10 ng umaga sa Boracay.

Sa isinagawang operasyon nina P/Insp, Joey Delos Santos, Deputy OIC, PO1 Melvin Alba Jr., at ng apat na mga pulis ay nahuli ang wanted na si Ernie Victoriano, 54-anyos, driver ng truck sa isla at residente ng Tablas, Sta. Fe, Romblon na temporary namang nakatira sa Sitio Tambisaan, Manoc-manoc, Boracay, Malay, Aklan.

Napag-alaman na kinasuhan umano ito ng Criminal Case number 1628-M for Reckless Imprudence Resulting in Homicide noong Nobyembre 6, 2015.

Kaugnay nito dinala naman ang suspek sa Boracay PNP, para sa karampatang disposisyon kung saan nakatakda din itong iturn-over sa kurti kung saan nakabinbin ang kanyang kaso.

No comments:

Post a Comment