Tuesday, November 17, 2015

Lalaki kulong, matapos maaktuhang nagnanakaw sa Boracay

Posted November 17,2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, Yes Fm Boracay


Kulong ang isang lalaki matapos itong maaktuhang nagnanakaw sa beach area sa harap ng isang restaurant sa Station 2 Boracay, Malay, Aklan kaninang madaling araw.

Sa report ng Boracay PNP, nagsasagawa umano ng inspekyon ang mga kapulisan partikular sa white beach ng mapansin nila itong isang lalaki na kinilalang si Rey Paulino,37-anyos ng Sta. Fe Romblon, na may kahina-hinalang galaw at nagtatago sa puno ng niyog.

Dahil dito, pinabantayan ng mga pulis ang naturang lalaki sa naka-duty na security guard sa lugar at doon din umano ito naaktuhan na tinangay niya ang isang cellphone na nakalagay sa maong pants ng naliligo na si Mathias Sandstedt isang Swedish National na iniwan sa may dalampasigan ngunit agad namang na-corner ng mga otoridad.

Agad namang dinala ang suspek at ang biktima sa Boracay PNP, para e-record ang nasabing pagnanakaw kung saan pansamantala namang ikinustudiya ng mga pulis ang suspek.

No comments:

Post a Comment