Monday, November 16, 2015

Construction worker sa Boracay, sinaksak ang kapwa katrabaho

Posted November 16, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for police blotterDuguan ang ulo ng isang construction worker matapos itong saksakin ng kanyang kapwa katrabaho sa Sitio Malabunot, Brgy, Manoc-manoc, Boracay, Malay, Aklan.

Nakilala ang biktimang si Allan Palaganas, 34-anyos ng Sitio Hagdan, Brgy. Yapak, Boracay.

Reklamo ng biktima sa Boracay PNP, sinaksak umano siya gamit ang isang icepick ng suspek na kinilala namang si Efren Mendez sa kanyang kaliwang bahagi ng ulo.

Agad namang dinala sa malapit na pagamutan ang biktima para mabigyan ng agarang medikasyon,

Napag-alaman na isang mainit na argumento ang namagitan sa biktima kasama ang kaibigan nito at sa suspek na siyang sinasabing dahilan ng pananaksak.

Samantala, hanggang ngayon ay nagsasagawa pa ng manhunt operation ang mga pulis para sa ikadarakip ng suspek.

No comments:

Post a Comment