Monday, November 16, 2015

Biyahe ng mga bangka sa Boracay mas-lalong hinigpitan

Posted November 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Hindi na ngayon basta-bastang makapaglayag agad ang isang bangka na may biyaheng Cagban at Caticlan Jetty Port vice versa.

Ito’y dahil sa mas hinigpitan na ng Philippine Coastguard Caticlan ang implementasyon ng pagpapasuot ng life jacket sa mga pasahero gayon din ang pagsulat ng kanilang pangalan sa manifesto.

Nabatid na nitong Miyerkules ay sinimulang maghigpit ng Coastguard kung saan bago umalis ang bangka ay dapat nakasuot na ang lahat ng life jacket at nakasulat na ang kanilang pangalan.

Dahil dito pinutakte naman ang PCG ng ibat-ibang reklamo ng mga pasahero dahil sa umaabot umano ng halos kalahating oras bago umalis ang bangka kahit puno na ito.

Napag-alaman na ang implementasyong ito ay dati na ring ipinapatupad sa mga bangka sa Boracay ngunit hindi lang nasusunod.

No comments:

Post a Comment