Tuesday, November 17, 2015

MS Silver Shadow dadaong na sa Boracay ngayong tanghali



Posted November 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Silverseas Cruises na MS Silver ShadowImpunto alas-dose ngayong tanghali ay dadaong na ang Cruise ship ng Silverseas Cruises na MS Silver Shadow sa isla ng Boracay.

Sakay nito ang tinatayang limang daang pasahero mula sa ibat-ibang bansa kung saan karamihan sa mga ito ay mga amerikanong retiree kabilang na ang tatlong daang crew.

Nabatid na tatagal ng labin-isang oras ang naturang barko sa Boracay kung saan ang departure time nito ay alas-10 ng gabi ng kapareho ring araw.

Dahil dito isang plaque of exchange ang mangyayari sa loob ng barko sa pagitan ng Silverseas Cruises management at ng Aklan Province, LGU Malay, Department of Tourism at iba pang concerned agencies.

Ang mga sakay na pasahero nito ay mag-iikot sa ibat-ibang lugar sa Boracay lalo na sa white beach area at ang pagkakaroon ng island hopping activity.

Samantala, inaasahan ang dagsa ng tao at mabagal na operasyon ng mga bibiyaheng bangka sa Cagban Port dahil sa arrival ng nasabing barko.

No comments:

Post a Comment