Friday, November 20, 2015

Budget para sa LGU Malay, hinihintay pa ang rekomendasyon ng PLFC

Posted November 20, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Image result for lgu malayHihintay nalang ngayon ng LGU Malay na ire-komenda ang kanilang budget para sa nalalabing araw sa taong 2015 sa Provincial Local Finance Committee o PLFC.

Sa 41st Regular Session ng Sangguniang Panlalawigan kahapon sa Capitol Building sa Kalibo, ibinigay at ini-rekomenda na umano ng Committee on Appropriations Budget and Finance and Ways and Means ang naturang budget at hinihintay nalang nito ang rekomendasyon ng PLFC.

Nabatid na ang budget ay nag-kakahalaga ng P59, 658,960.95 sa Ordinance Authorizing Supplemental Budget ng LGU Malay.

Ang naturang budget ay para pamunan at i-implementa ang mga nagka-sari-saring gagawing  programa at proyekto sa Malay at naka-ukol  ito sa mga kailangang punan ng pondo.

No comments:

Post a Comment