Monday, November 16, 2015

Bangka sa Caticlan Jetty Port muntik ng lumubog matapos maatrasan ng Roro vessel


Posted November 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Photo credit to BAG
Nag “Half submerge” o kalahating lumubog ang isang bangka kahapon ng umaga sa Caticlan Jetty Port matapos maatrasan ng isang Starline roro vessel.

Sa panayam ng YES FM Boracay kay PCG Caticlan Station Commander Lt. Idezon Diaz, sinabi nito na ang bangkang may pangalang Medalya Milagrosa ay nakadaong sa nasabing pantalan ng bigla itong masagi ng padaong na ring roro vessel sa katabi nito.

Ayon pa kay Diaz, malakas umano ang hangin ng maganap ang insidente na siya namang itinuturong dahilan para mapasubra ang atras ng barko na sumagi sa nakadaong na bangka.

Napag-alaman na wala namang sakay ang naturang bangka, na agad namang pinagtulungan hatakin para dalhin sa ligtas na lugar sa Brgy. Manoc-manoc sa isla ng Boracay.

Nabatid na nagkasundo rin ang dalawang panig kung saan ayon sa Starline roro vessel ay tutulong sila para sa pag-sasaayos sa nag-half submerge na bangka.

Dahil dito inatasan ngayon ni Diaz ang lahat ng mga boat operator na iwasan ang pagdaong malapit sa mga roro vessel para maiwasan ang nangyaring insidente.

No comments:

Post a Comment