Wednesday, August 19, 2015

Wind mill sa Napaan Malay nakatakdang inspeksyonin ng Sangguniang Bayan

Posted August 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for wind mill sa NapaanHindi gaanong nakuntinto ang Sangguniang Bayan ng Malay sa ginawang presentasyon ng Petro Wind Energy tungkol sa kanilang operasyon sa Napaan area.

Ito’y dahil sa hindi aktwal na nakita ng personal ng mga konsehales ang ginawang construction sa Brgy. Napaan kung saan itinayo ang wind mill na kadugtong mula sa Brgy. Pawa, Nabas.

Dahil dito nagdesisyon ang SB Malay sa ginanap na 29th regular session ng Malay kahapon na mag-sagawa ng pagsusuri sa nasabing lugar dahil na rin sa umano’y naapektuhan ng pagpapatayo ng wind mill ang Napaan river na siyang isa sa nagbibigay ng suplay ng tubig sa buong bayan ng Malay.

Samantala, nakatakda ang nasabing inspeksyon ngayong Lunes na may layuning alamin kung gaano naapektuhan ang kalikasan sa Napaan area dahil sa itinayong wind mill na sinasabing makakatulong sa karagdagang suplay ng kuryente sa lalawigan ng Aklan.

No comments:

Post a Comment