Wednesday, August 19, 2015

Bagong OIC Chief of Police ng Boracay PNP nag-courtesy call sa SB Malay

Posted August 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Nag-courtesy call sa Sangguniang Bayan ng Malay ang bagong talagang OIC Chief of Police ng Boracay PNP na si PSupt. Danilo Delos Santos.

Siya ang naging panauhing pandagal sa ginanap na 29th Regular Session ng Malay kaninang umaga kung saan ipinakilala nito ang kanyang sarili sa mga opisyales ng Malay.

Nagpasalamat naman ito sa LGU Malay dahil sa suportang ibinibigay sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Maliban dito nangako naman si Delos Santos na gagawin niya ang lahat hanggang sa kanyang makakaya para sa ikakabuti ng isla ng Boracay pagdating sa seguridad.

Kaugnay nito hiniling naman ni Delos Santos sa SB Malay na kung maaari ay madagdagan ang pag-install ng mga CCTV cameras sa beach area lalo na at padami ng padami ang mga turistang pumupunta sa Boracay.

Samantala, si Delos Santos ang pumalit kay dating BTAC OIC Chief of Police Inspector Frensy Andrade na nanungkulan ng anim na buwan. 

No comments:

Post a Comment