Posted
August 19, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Lunes ng simulang ipatigil pansamantala ni Aklan Governor
Florecio Miraflores ang operasyon ng Don Ciriaco S. Tirol Memorial Hospital o
Boracay Hospital.
Ito ay para bigyang daan ang construction ng phase 2
hospital na pinondohan ng Department of Public Works and Hi-Ways (DPWH).
Ayon kay Aklan Provincial Health Officer II Dr. Victor
Sta. Maria, sarado na ngayon ang naturang pagamutan na siyang bahagi ng phase 2
construction ng DPWH.
Aniya, ang ilang staff at doktor ng Boracay hospital ay
pansamantala munang inilipat sa Malay Municipal Hospital habang ang iba naman
ay sa Aklan Provincial Hospital.
Sinabi din nito na sakaling matapos na ang construction
ay agad namang pababalikin ang mga staff
para makatugon sa pangangailangan ng mga mamamayan sa isla ng Boracay.
Samantala, ang dating isang palapag na pagamutan ay
gagawin ng tatlong palapag kung saan dadagdagan din ito ng mga aparato at
personnel para hindi na kailangang dalhin pa ang mga pasyente sa mainland para
magpagamot.
No comments:
Post a Comment