Posted August 20, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinapahabol na ng Commission on Elections (COMELEC) Malay
ang mga botante na hindi pa sumailalim sa biometrics registration.
Ayon kay Malay COMELEC Officer II, Elma Cahilig, nakakda
umano silang magsagawa ng satellite registration sa brgy. Argao sa bayan ng
Malay ngayong araw ng Sabado para sa mga hindi pa nakuhaan ng litrato, lagda at
finger prints kasama na ang validation.
Maliban sa mga taga Argao hinihikayat din nito ang mga
kalapit na brgy. na wala pang biometrics na humabol na rin sa kanilang ilalagay
na satellite office sa nasabing lugar.
Muli namang paalala ni Cahilig na hanggang Oktobre nalang
ngayong taon ang kanilang registration period at kung sino umano ang hindi
sumailalim nito ay hindi makakaboto sa 2016 Election dahil sa mahigpit na
ipinatupad ng COMELEC na “No Bio-No Boto”.
Samantala, nasa 500 naman ang sumailim sa biometrics
registration ng COMELEC Malay sa Brgy. Manoc-manoc sa Boracay matapos silang
maglagay ng satellite office nitong nakaraang Sabado.
No comments:
Post a Comment