Posted August 21, 2015
Ni Alan Palma Sr.,
YES FM Boracay
Isang orientation
at planning session ang isinagawa ng Municipal Tourism Office sa mga miyembro
ng Boracay Action Group o BAG kahapon sa Eurotel Boracay.
Ilan sa mga
tinalakay ay ang Executive Order No.005 series of 2012, an order creating the Boracay Action
Group na ngayon ay binubuo ng mga enforcers at volunteers katulad ng TREU (
Tourism Regulatory Enforcement Unit ), MAP (Malay Auxiliary Police), at Salaam
Police .
Ang bawat grupong
nabanggit ay nagsagawa ng presentasyon sa harap ng mga stakeholders at mga law
enforcement agaency para ilatag ang pangunahing function ng mga ito at mga
ordinansang ipinapatupad at kung saan at paano ang deployment nila sa Boracay.
Ayon naman kay
BAG Adviser Leonard Tirol, magandang inisyatibo ito lalo na at may bagong chief
of police ang BTAC sa katauhan ni PS Danilo Delos Santos kung saan layunin nito
na mas mapapaigting ang paglatag ng seguridad sa isla.
Sa ganito din
umanong paraan malaman ng bawat grupo kung saan pa sila dapat mag-talaga ng
kanilang tao at kung papaano pa nila mapaganda ang kanilang serbisyo.
Samanatala,
nagbigay payo naman si Boracay Island Chief Operating Officer Glenn Sacapano na
dapat ang mga miyembro ng BAG ang magsilbing huwaran sa pagsunod ng ordinansa
para pamarisan ng kumunidad.
Ang Boracay
Action Group ay katuwang ng mga organic agencies katulad ng BTAC , Philippine
Army, Maritime Group at Philippine Coast Guard.
No comments:
Post a Comment