Posted August
18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tinatayang nasa P48 milyong peso ang iniwang danyos sa
nangyaring malagim na sunog sa isla ng Boracay nitong Hunyo 17, 2015.
Ito ang sinabi ni Bureau of Fire Protection (BFP)-Boracay
Fire Inspector Stephen Jardeleza kasabay ng paglabas ng kanilang ginawang
embistigasyon kung saan nagmula ang nasabing sunog na tumupok ng 400 market
stalls at mga boarding houses at 800 biktima na nawalan ng kanilang tahanan.
Nabatid na karamihan sa mga market stall sa Talipapa
bukid ay nagbibinta ng mga grocery, kitchen ware at mga gulayan na nagsusuplay
sa buong isla ng Boracay.
Napag-alaman naman na ang nangyaring sunog ay nagmula sa
bahay ni Marcelino Sotto III dahil sa naiwang stove ng kanyang pitong taong
gulang na anak at hindi na-kontrol ang paglaki ng apoy hanggang sa mabilis
itong kumalat sa kanilang kabahayaan at sa mga katabing bahay.
Samantala, ayon naman sa BFP Boracay ang nangyaring sunog
noong Hunyo 17 ang siyang itinuturing na pinakamalaking sunog sa isla na naging
dahilan ng pagka-paralisado ng mga manggagawa at mga negosyante.
No comments:
Post a Comment