Monday, August 17, 2015

Lalaki patay matapos pagsasaksakin sa ibat-ibang parti ng katawan; suspek nakatakas

Posted August 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for STABBINGWala ng buhay ang isang 48-anyos na lalaki matapos na pagsasaksakin sa ibat-ibang parti ng kanyang katawan sa Virgin Place Sitio. Tulubhan Boracay alas-9 kagabi.

Si Georgie Salibio y Delos Santos ng Cagban, Manoc-manoc Boracay ay nagtamo ng mga tama ng pagsaksak sa kanyang tiyan at likurang bahagi ng katawan mula sa hindi matukoy na suspek.

Nabatid na ang biktima ay lumabas mula sa isang resto bar kasama ang isa pang lalaki papuntang Virgin Place ngunit sa kanyang paglalakad papunta sa lugar ay pinagsasaksak siya ng supek gamit din ang hindi matukoy na patalim.

Agad namang isininugod sa isang pribadong pagamutan sa Boracay ang biktima ngunit idiniklara naman itong patay ng doktor Cristina Teotico bandang alas:10 ng gabi.

Samantala, base naman sa report ng Boracay PNP ang suspek ay mabilis na nakatakas sakay ng kanyang motorsiklo matapos ang nagawa nitong krimen kung saan nakasuot umano ito ng kulay dilaw na jersy, short pants at kulay puting sombrero.

No comments:

Post a Comment