Monday, August 17, 2015

Aklan PPO, bibigyang pagkilala ang mga media-men sa Aklan

Posted August 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for Aklan Police Provincial Office (APPO)Bibigyan ng pagkilala ngayong hapon ng Aklan Police Provincial Office (APPO) ang mga media- men sa Aklan kasabay ng Oath-taking ng Aklan Police and Defense Press. Corps.

Ayon kay Public Information Officer P03 Nida Gregas, ito ay gaganapin sa Camp Pastor Martelino sa New, Buswang Kalibo ngayong alas-2 ng hapon.

Tatanggap umano ng certificate of recognition ang mga station manager ng mga radio station sa Aklan na igagawad ng panauhing pandangal na si Vice-Governor Billie Calizo-Quimpo at ni Provincial director Senior Superintendent Iver Apellido.

Maliban dito, mabibigyan din umano ng Identification Card ang mga media na kanilang magagamit sa tuwing pupunta ang mga ito sa mga police station sa probinsya.

Samantala, ang Aklan Police and Defense Press. Corps. ay ang pag-elect ng mga bagong officers sa hanay ng APPO kabilang na ang mga media-men na siya namang magiging Board of Directors.

No comments:

Post a Comment