Posted August 19, 2015
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Hindi lang isa
kundi sampung organisasyon at local government unit sa probinsya ng Aklan ang nabigyan
ng Sandugo Awards ng Department of Health (DOH).
Ito’y dahil sa
kanilang tapat at patuloy na pagtulong sa blood collection campaign ng
DOH o DOH’s National Voluntary Blood Services Program.
Ang paggawad ng parangal ay ginawa nitong Biyernes Agosto
14 kasabay ng regional Sandugo recognition at awarding ceremony para sa mga
volunteers at individuals.
Ilan sa mga binigyan ng parangal mula sa Aklan ay ang
Aklan State University, Northwestern Visayan Colleges Criminology Department,
Philippine Guardians Brotherhood, Inc. ng Banga, Aklan, Hennan Group of
Resorts, Barangay Cabangila ng Altavas, Aklan, Boracay Island Water Company,
Inc. (BIWC) at Barangay Cajilo, Makato, Aklan kabilang din ang ilang radio
station sa probinsya.
Samantala, hinihikayat naman ng DOH ang lahat ng mga
gusto pang sumuporta sa kanilang programa para sa mga pasyenteng
nangangailangan ng dugo.
No comments:
Post a Comment