Posted August 21, 2015
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Hindi pa umano
alam ng Commission on Elections (COMELEC) Malay ang kanilang gagamiting
teknolohiya para sa darating na May 2016 Elections.
Ito ay sa kabila
ng ginawang pag-deklara ni COMELEC Chairman Andres Bautista nitong Agosto 13,
2015 kung saan ang gagamitin umano sa darating na halalan ay ang bagong
teknolohiya na Optical Mark Reader machines o OMR sa halip na Precinct-Count
Optical Scanners para sa 2016 Elections.
Ayon kay Malay
COMELEC Officer II, Elma Cahilig, hindi pa umano sila nakakatanggap ng sulat
mula sa main Office ng COMELEC tungkol dito ngunit kahit ano man umano ang
magiging desisyon sa itaas ay susundin naman umano nila ito.
Nabatid na sa OMR
ay kinakailangan lamang ng isang botante na mag fill-up sa balota na may
pre-printed name ng kandidato sa pamamagitan ng pagkulay sa bilog kasunod ng
pangalan ng piniling kandidato at pagkatapos nito ay ihuhulog ito sa OMR kung
saan isa-scan naman nito ang balota.
No comments:
Post a Comment