Tuesday, August 18, 2015

Negosyante nabiktima ng snatching sa Boracay

Posted August 18, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for snatchingNaglahong parang bula ang Iphone 6 gold ng isang negosyanteng nagbabakasyon sa Boracay matapos mabiktima ng isang menor de-edad na snatcher sa D’talipapa Boracay.

Sa embistigasyon ng Boracay PNP, naglalakad umano ang biktimang si Michelle Autencio, 28-anyos ng Davao, City sa nasabing lugar ng biglang may humablot na bata sa kanyang hawak-hawak na cellphone.

Ayon sa biktima mabilis ang pagtakbo ng menor de-edad palabas ng D’talipapa mainroad kung saan sumigaw din umano siya ng tulong para makatawag pansin sa mga tao sa lugar ngunit bigo rin ang mga tao na mahabol ang suspek.

Samantala, agad namang nagsagawa ng operasyon ang mga pulis para sa ikadarakip ng menor de-edad kung saan hanggang ngayon ay patuloy parin nila itong pinaghahanap.

No comments:

Post a Comment