Monday, August 17, 2015

Mahigit 500 seedlings itinamin sa isinagawang “Broadcastreeing” ng KBP-Aklan

Posted August 17, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mahigit sa limang daang seedlings ng Acasia ang naitanim sa matagapumpay na Broadcastreeing ng KPB-Aklan sa Jawili, Tangalan nitong Sabado.

Ito ang kinumpirma ng Department of Environmen and Natural Resources (DENR) Aklan na siyang namahagi ng mga nasabing seedlings.

Tinatayang nasa apat napung miyembro ng KBP-Aklan Chapter ang sumama sa tree planting activity katuwang ang ilang non-government organization, CAAP Kalibo, Red-Cross Aklan, Philippine Army, Seals Rescue at Philippine National Police.

Ang Broadcastreeing ay sabay-sabay na isinagawa Nationwide bilang pakikiisa sa Greening Program ng National Government sa ilalim ng executive order 26 ni Pangulong Benigno NoyNoy Aquino III kung saan target nito na makapagtanim ng 1.5 milyong puno hanggang sa taong 2016.

Samantala, nagpapasalamat naman ang KBP sa pangunguna ni KBP-Aklan Chapter Chairman Alan Palma Sr. sa lahat ng mga sumuporta at tumulong sa matagumpay na programa para sa pangangalaga ng kalikasan.

No comments:

Post a Comment