Posted August
22, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mas pinalakas pa ngayon ang samahan ng Media, Police at
Army sa Aklan matapos ang isinagawang oath-taking ceremony ng Aklan Police and
Defense Press Corps (APDP).
Ito ay dahil sa mga bago na namang itinalagang opisyal na
nagsisimbolo ng malakas na samahan ng media at ng mga defense groups kagaya ng
mga Pulis at Army.
Dahil dito ipinunto naman ni Vice Governor Gabrielle Quimpo
na siyang panauhing pandagal sa oath-taking ceremony na kinakailangan ang
samahan upang maipapatuloy at masiguro na ang probinsya ng Aklan ay matiwasay
na tirahan, pangkabuhayan at mapagpatayuan ng negosyo.
Sinabi pa ni Quimpo na ang media ay isang critical na
partner ng defense group dahil ito ang tumutulong sa pagpapalaganap ng mga
programa ng Philippine National Police at Philippine Army.
Samantala, ang mga bagong hirang na opisyal ng Defense
Press Corps ay kinabibilangan ng mga media sa Aklan mula sa Radyo, TV at Print.
No comments:
Post a Comment