Wednesday, July 01, 2015

BFP Boracay, tutulong sa mga aktibidad ng MDRRMC ngayong National Disaster Consciousness Month

Posted July 1, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

July 1 na.

Kasabay nito, magsisimula na ang pag-obserba ng National Disaster Consciousness Month.

Ayon kay BFPU Chief Fire Inspector Stephen Jardeleza, tutulong sila sa mga gagawing aktibidad ng MDRRMC o Municipal Disaster Risk Reduction Council ng Malay.

Nabatid na taun-taon nang nagsasagawa ng mga disaster awareness campaign ang NDRRMC o National Disaster Risk Reduction Management Council halimbawa ng mga earthquake drills sa mga eskwelahan.

Samantala, kinumpirma naman ni Malay Municipal Local Government Operations Officer Chief Mark Delos Reyes na may mga nakahanda na rin silang aktibidad ngayong buwan ng Hulyo para sa nasabing pagdiriwang.

Inaasahang muling mag-iikot ang BFP Boracay upang mamahagi ng kaalaman kaugnay sa kaligtasan at seguridad ng publiko ngayong buwan ng Hulyo.

No comments:

Post a Comment