Monday, June 29, 2015

Komisyoner na nanluko umano sa turista sa Boracay, inereklamo

Posted June 29, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Isa na namang turista sa isla ng Boracay ang naluko umano ng komisyoner.

Base sa police report ng Boracay PNP, nagkasundo ang turistang Chinese at ang komisyoner na nakilala lamang sa pangalang ‘Mac-mac’ Salibio sa tatlong island activities sa halagang P4, 500.00.

Nagbigay din umano ito ng P 1, 200.00 na deposit sa komisyoner at binayaran kinabukasan ng buo ang mga kinuhang activities para sa dalawang katao.

Samantala, nadismaya na lamang ang turista na hindi na sila makapagpatuloy sa ikatlong activities matapos ang kanilang Sailboat at Helmet Diving.

Sinabi umano kasi ng komisyoner na nawala nito ang perang ibinayad sa kanya kahapon, kung kaya’t pinayuhan nito ang turistang kumuha ng pera sa tinutuluyang resort bilang pambayad sa isa pang activity.

Sumunod naman ito at nagtiwala sa pangako ng komisyoner na hihintayin niya sila sa beach subali’t hindi na nila ito makita sa kanilang pagbalik sa baybayin.

No comments:

Post a Comment