Posted June 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Umabot umano sa dalawang daan at pitumput tatlong pamilya
ang apektado ng nangyaring sunog sa Talipapa bukid Boracay nitong nakaraang
Miyerkules Hunyo 17.
Ito ang sinabi ni Social Welfare Aid Rachel Bangkaya ng
Municipal Welfare Development Office ng LGU Malay, aniya, ito ang kanilang
naitala matapos ang sunog hanggang nitong nakaraang Lunes kung saan umabot naman
umano sa isang libo at dalawang daan at labin isa ang apektadong indibidwal.
Karamihan din umano sa mga ito ay empleyado ng mga resort
at hotel sa Boracay na walang naisalbang gamit sa malagim na sunog na nangyari
sa Talipapa Bukid.
Sinabi pa ni Bangkaya na mayroon parin talagang mga
indibidwal na biktima ng sunog ang hindi nakapagpalista sa kanilang tanggapan
kung kayat inaasahan nilang mas mataas pa sa 1,211 ang mga biktima nito.
No comments:
Post a Comment