Monday, June 29, 2015

Lalaki, nahulihan ng pekeng pera sa Cagban Jetty Port

Posted June 29, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Maaaring may mga pekeng pera na kumakalat ngayon sa isla ng Boracay.

Isang lalaki kasi sa Cagban Port ang kaagad sinita at kinompronta ng mga security guard kahapon dahil sa ibinayad nitong pekeng pera.

Base sa report ng Boracay PNP, natuklasan na lamang umano ng kahera sa ticketing counter ng jetty port na    peke ang P1, 000.00 na ibinayad ng lalaki para sa kanyang tiket.

Kaagad tinawag ng kahera ang mga security guards kung kaya’t nahuli ang suspek na nakilalang si Mark Alvin Aldaba mula sa General Santos City.

Subali’t iginiit naman ng lalaki na nakuha lamang niya ang pera sa sabungan nitong nakaraang Sabado sa Sitio Tambisaan, Barangay Manoc-manoc.

Minarapat na lamang pina-blotter ng provincial guard sa Boracay PNP Station ang insidente.

No comments:

Post a Comment