Monday, June 29, 2015

Drummer ng isang banda sa Boracay, sinampal dahil birthday song

Posted June 29, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Isang drummer ng banda sa Boracay ang sinampal umano kaninang madaling araw.

Ayon sa police report ng Boracay PNP, kinumpronta ng may-ari ng hotel ang 22 anyos na drummer at sinampal dahil sa mali umano nitong pagkanta ng isang ‘birthday song’.

Base pa sa kanyang sumbong sa presento, tinawag din umano siya ng may-ari ng hotel na bobo.

Samantala, minarapat namang ipasa ng Boracay PNP ang reklamo ng drummer sa Balabag Barangay Justice System.

No comments:

Post a Comment