YES THE BEST 911 BORACAY

Monday, June 29, 2015

MPDO, aminadong hindi binigyan dati ng permit ang Ocean Park project sa Barangay Yapak

Posted June 29, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Aminado ang MPDO o Municipal Planning and Development Office na hindi nila dati binigyan ng zoning clearance ang Ocean Park project sa Barangay Yapak.

Ayon kasi kay Malay Municipal Planning Officer Alma Beliherdo, forest Land ang klasipikasyon ng lupang pagtatayuan ng proyekto base na rin sa CLUP o Comprehensive Land Use Plan ng Malay.

Subali’t nagsumite umano ang developer ng proyekto ng sertipikasyon mula sa DENR o Department of Environment of Natural Resources.

Base sa sertipikasyon, exempted  o labas na sa forest classification ang lupa dahil isa umano itong tituladong lugar.

Base pa sa CLUP, sinabi din ni Beliherdo na classified as ‘high end’ tourist commercial zone ang lugar kung kaya’t binigyan nila ito ng karagdagang clearance.

Samantala, magugunitang umani ng iba’t-ibang rekasyon mula sa social media ang nasabing proyekto dahil sa mga isyung kapaligiran.

No comments:

Post a Comment