Posted July 3, 2015
Ni Jay-ar m. Arante, YES FM Boracay
Panahon na naman ng tag-ulan kung kayat may paalala na
naman ngayon ang Provincial Health Office (PHO) Aklan sa lahat ng mga mamamayan
at residente sa probinsya.
Ayon kay Aklan Provincial Health Officer II, Dr. Victor
Sta. Maria, inaasahan umano nila ngayong tag-ulan na tataas na naman ang kaso
ng dengue sa probinsya kung saan bumababa lamang umano ito sa tuwing tag-init
sa buwan ng Oktobre hanggang Desyembre.
Dahil dito paalala niya sa lahat ng residente na panatiliing
malinis ang kanilang kapaligiran at huwag hayaang magkaroon ng stagnant na
tubig sa kanilang area katulad ng water container at flower base upang hindi
mabahayan ng lamok na nagdadala ng dengue.
Maliban dito isa pa umano sa kanilang paalala ay ang
iwasan ang paglusong sa tubig baha dahil sadya umano itong dilikado na maaaring
makakuha ng sakit na leptospirosis mula sa ehe ng daga.
Samantala, sinabi pa ni Dr. Sta. Maria na nakakapagtala
umano sila kada buwan ng kaso ng dengue sa Aklan ngunit wala pa naman silang
naitalang kaso ng leptospirosis sa probinsya.
Kaugnay nito, hinikayat naman ng PHO Aklan ang lahat ng
residente na agad na magpakunsulta sa doktor sa mga rural health o sa hospitals
kung sakaling mayroon silang sintomas ng mga nasabing sakit.
No comments:
Post a Comment