Saturday, July 04, 2015

6-na taong gulang na batang babae, isinugod sa ospital matapos masagasaan ng L300 van

Posted June 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for road accidentPatuloy parin ngayong ino-obserbahan sa isang pagamutan sa bayan ng Kalibo ang anim na taong gulang na batang babae matapos na mabangga ng L300 van sa Tangalan, Aklan.

Base sa report ng Tangalan PNP Station, bigla nalang umanong tumawid ang nasabing bata mula sa eskwelahan nito sa Panayakan, Elementary School matapos nitong makita ang kanyang ina sa harap ng kanilang paaralan na bumaba mula sa isang sasakyan.

Nabatid na hindi umano napansin ng biktimang si Angel Grace Bareda ang papararting na L300 van na minamaneho ng suspek na si Norwell Castañeda, 37-anyos ng Brgy. Puis, New Washington, Aklan kung kayat mabilis itong nahagip ng naturang sasakyan.

Napag-alaman na galing ang nasabing van sa Caticlan, Malay, Aklan sakay ang ilang pasahero papuntang bayan ng Kalibo.

Samantala, matapos ang imbestigasyon ng Tangalan PNP Station sa nasabing insidente agad naman nilang pinalaya ang suspek dahil sa nagkaroon naman umano sila ng kasunduan sa pagitan ng mga magulang ng biktima.

No comments:

Post a Comment