Posted June 30, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa mahigit dalawamput isang libo pa umanong mga botante
sa probinsya ng Aklan ang walang biometrics para sa darating na National
Elections sa Mayo 2016.
Ayon kay COMELEC Provincial Information Officer Chrispin
Raymund Gerardo, kailangan na umano ng lahat ng mga aktibong botante na
makapag-parehistro sa biometrics sa opisina ng Municipal COMELEC sa Aklan.
Sa ngayon umano ay may kabuuang bilang na 314, 093
registered voters ang probinsya nitong Abril 20 base sa tala ng COMELEC kasabay
ng isinagawang Election Registration Board hearing.
Dagdag pa nito na ang bayan ng Kalibo ang siyang may
pinakamaraming botante na may kabuuang bilang na 43, 082 ngunit 4, 735 sa mga
ito ay wala pang biometrics.
Tinukoy din ni Gerardo na mayroon ngayong mga
isinasagawang satellite registration ang mga municipal election office sa mga
baranggay tuwing weekend para makapagparehistro ang mga matatandang
nahihirapang dumayo sa mga COMELEC Office.
Kaugnay nito pinaalalahan naman ni Gerardo ang mga kabataang
mag-eedad 18 bago mag May 9, 2015 election na magparehistro na para makaboto.
Samantala, bukas naman ang tanggapan ng COMELEC sa buong
Aklan tuwing Lunes hanggang Sabado maging sa araw na may Holiday.
No comments:
Post a Comment