Posted July
4, 2015
Ni Alan Palma, YES FM Boracay
Pinag-iisipan na ngayon ng LGU-Malay at ng Boracay
Redevelopment Task Force ang paglatag ng Communal Septic Tank sa mga piling
area sa Boracay.
Ayon kay BRTF Technical Head Mabel Bacani, solusyong ang
communal septic tank sa lumalaking populasyon ng Boracay sanhi ng migration na
maaaring makapagdulot ng polusyon o pagkasira ng kapaligiran.
Anya, sagot na ng LGU-Malay ang pipe na gagamitin at DOST
naman ang bahala para sa paglatag Eco-friendly Septic Tank.
Samantala, nais din ng BRTF na suportahan sila ng BIWC sa
hangarin na ito upang maibsan ang mga problema sa drainage at maprotektahan ang
kalidad ng tubig sa dalampasigan ng Boracay.
Dahil sa presyo ng lupa, opsyon din na gawin itong
portable ng sa gayon ay mas madali ito ilipat habang inaantay pa ang parallel
development master plan.
Sa kasalukuyan, halos 60% sa kabuuang populasyon ng
Boracay ay pawang manggagawa at mga empleyado ng mga resort na kasama na rin
ang kani-kanilang pamilya na namumuhay sa loob ng isla.
No comments:
Post a Comment