Posted July 2, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nagbigay ngayon ng paalala ang Philippine Coastguard (PCG)
Boracay Office sa lahat ng mga maliligo sa dagat sa isla.
Ito ay dahil sa nararanasang sama ng panahon sa bansa
dulot ng umiiral na Low Pressure area (LPA) at ang malakas na alon dahil sa
Habagat Season.
Ayon sa PCG patuloy ang kanilang ginagawang monitoring sa
area ng front beach gayon din sa Bulabog at Tambisaan kung saan ngayon
pansamantalang inilipat ang mga water sports activities.
Maliban dito naglagay na rin umano sila ng mga babala sa
beach area para sa lahat ng mga maliligo sa dagat kung saan katuwang din umano
nila rito ang lifeguard ng Philippine Red Cross na naka-antabay sa beach front.
Kaugnay naman nito pansamantala muna nilang itinigil
kanina ang lahat ng water sports activities sa isla dahil na rin sa lakas ng
ulan.
Samantala, paalala pa ng PCG Boracay na mag-ingat sa
paliligo sa dagat at huwag pumunta sa malalalim na lugar kung hindi naman marunong
lumangoy at walang kasama lalo na sa mga bata.
No comments:
Post a Comment