Wednesday, July 01, 2015

B.U.S.T.E.R. Patrollers, tiniyak ang seguridad ng isla ngayong Habagat Season

Posted July 1, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Image result for Habagat Season sa BoracayPatuloy ngayong binabantayan ng B.U.S.T.E.R. Patrollers ang seguridad ng isla ngayong Habagat Season.

Kasama ang mga taga Philippine Army Boracay task Group, regular na minomonitor ng mga kapulisan ang isla lalo na ang long beach ng Boracay laban sa mga mananamantala katulad ng mga ilegal na komisyoner at tour guide.

Maliban sa Philippine Army, nabatid na kasama rin ng mga nasabing patrollers ang MAP o Municipal Auxiliary Police, Salaam Police, PARDSS, at Guardians.

Nagpapatrolya ang mga ito sa long beach ng isla tuwing hapon, maliban pa sa regular na nakaduty sa umaga at gabi sa mga inilaang assistance center.

Samantala, sinasabing nakahanda paring manalasa ang mga kawatan kahit may dalang sama ng panahon ang Habagat kung kaya’t patuloy din ang paalala ng mga otoridad sa mga turista na mag-ingat sa kani-kanilang mga gamit lalo na kapag naliligo sa dagat.

No comments:

Post a Comment