Wednesday, April 01, 2015

Tricycle driver na naninigarilyo habang namamasada, automatic suspended ayon sa BLTMPC

Posted April 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
               
Image result for Tricycle sa Boracay“Automatic suspended”

Ito ang salitang binitawan ni BLTMPC Chairman Joel Gelito laban sa mga tricycle driver na naninigarilyo habang namamasada sa isla ng Boracay.

Ayon kay Gelito, hindi umano nila ma-control ang mga pasaway na mga tricycle driver na naninigarilyo sa oras ng kanilang pamamasada.

Kaugnay nito nagpatawag umano ang Boracay Land Transportation Multi Purpose Cooperative (BLTMPC) ng General Assembly na dinaluhan ng mga may-ari ng tricycle unit sa isla.

Sinabi nito sa mga dumalo kung ano ang mahigpit nilang ipinagbabawal sa mga tricycle driver sa Boracay katulad ng paninigarilyo sa oras ng kanilang pagbiyahe lalo na ngayon at dagsa ang mga turista sa isla.

Dagdag pa ni Gelito, nagpakalat na umano sila ng text brigade sa mga residente sa isla na maging mapagmatyag at isumbong sa kanilang tanggapan ang sino mang makita nilang driver na sumusuway sa nasabing kautusan.

Ang parusa umano rito ay awtomatikong pagsuspendi sa mga driver sa oras na mapatunayan ang kanilang pagkakamali.

Samantala, sinabi pa nito sa mga driver na kung wala silang pagmamahal sa kanilang sarili dahil sa paninigarilyo ay patunay lamang na hindi nila mahal ang kanilang mga pamilya lalo na ang kanilang mga pasahero kung saan sila kumukuha nang pang-kain araw-araw.

No comments:

Post a Comment