Tuesday, March 31, 2015

"No Party on Good Friday", muling ipinaalala ng LGU Malay

Posted March 31, 2015
Ni Bert Dalida, YES FM Boracay


Muli ngayong nagpaalala ang LGU Malay tungkol sa ipinapatupad na "No Party on Good Friday"sa isla ng Boracay.

Sa kabila ito ng inaasahang pakikiisa ng lahat sa isla sa solemneng pagdiriwang ng Semana Santa at panawagan ng Simbahang Katolika sa Boracay na igalang ang Kristiyanong Selebrasyon.

Sa pamamagitan kasi ng SB Resolution No. 015 Series of 2009.

Iginiit ng LGU Malay na hindi mag-iisyu ng permit ang munisipyo para sa anumang party o maiingay na aktibidad para sa Biyernes Santo.

Epektibo itong ipapatupad mula alas 6:00 ng umaga ng Biyernes hanggang alas 6:00 ng umaga ng Sabado de Gloria o Black Saturday.

Samantala, inaasahang magbabalik sa normal ang kaliwa’t-kanang pagpa-party sa isla pagkatapos ng mga nasabing banal na araw.

No comments:

Post a Comment